NAGA CITY- Arestado ang isang lolo matapos pagsamantalahan ang kanyang limang taong gulang na apo sa Infanta, Quezon.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), sinasabing inutusan ng lolo ang kanyang apo na manuod ng porn para matuto umano ito.

-- Advertisement --

Matapos panuorin ang video, saka na umano isinagawa ang pananamantala rito.

Kaugnay nito, agad namang nagsumbong ang bata sa kanyang ama na agad ding ini-report sa mga otoridad.

Samantala, nang isailalim ang bata sa medico legal, nabatid na positibo ito sa nasabing krimen.

Sa ngayon, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.