-- Advertisements --

Kakaibang pagdiriwang ng kanilang ika-100 kaarawan ang siinagawa ni World War II nurse sa Florida.

Nagpasya kasi si Raymonde Sullivan na magsagawa ng skydiving sa kaniyang ika-100 kaarawan.

Si Sullivan ay dating nurse noong World War 2.

Sinabi nito na marami na itong nagawa sa loob ng 100 taong pamumuhay sa mundo at ang skydiving lamang ang kaniyang hindi pa nagagawa.

Itinturing nito na isang nakakatakot ang naging karanasan niya sa skydiving at takot na aniya nitong ulitin.

Matapos ang skydiving ay ipinagdiwang nito ang kaniyang kaarawan sa Castle party sa Fort Pierce kasama ang mga kaanak.

Hawak naman ng 102-year-old na babae mula sa Australia ang record na pinakamatandang babae na nagsagawa ng skydiving.