Reading Time: 1 minute

BAGUIO CITY – Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Baguio ang proteksyon sa karapatan at kalayaan ng mga kasapi ng media.

Suportado ng Baguio City Council ang batas na nagbibigay ng proteksyon para sa mga karapatan ng mga journalist at brodkaster sa bansa.

Una nang tiniyak ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang paggalang ng administrasyon sa press freedom sa bansa.

Dahil dito, nakikiisa ang lokal na pamahalaan ng Baguio City para mapangalagaan ang karapatan ng mga kasapi ng media at para mabigyang tugon ang kanilang mga hinaing.