-- Advertisements --
Masayang ibinahagi nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio ang paglabas ng kanilang unang anak.
Sa social media account ng actor ay ibinahagi nito ang panganganak ng aktres.
Pinangalanan nila ang anak na babae na si Runi Lior at may palayaw na Nili.
Ibinahagi rin ng aktor ang bahagyang larawan ng anak na may suot na inisyal na RL.
Hindi muna nila ito ipinakita ng buo sa publiko dahil nais nila na maging pribado.
Magugunitang noong Disyembre 2025 ng ianunsiyo nila ang pagbubuntis ng aktress kung saan isinagawa ito ilang linggo matapos na masurpresa ang mga fans na ikinasal na pala ang mga ito.
Bumuhos naman ang pagbati mula sa kapwa nilang artista at fans.
















