-- Advertisements --

Nagpaabot ng kanyang pakikiramay si Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. sa mga kamag-anak ng 88 Pilipino na pumanaw sa Saudi Arabia.

Ito ay kasunod nang pagdating ng labi ng 88 overseas Filipino workers (OFWs) kahapon, Hulyo 19, sa Manila.

Binigyan ang mga ito ng hearoes’ welcome sa Villamore Airbase na dinaluhan ni Locsin at iba pang opisyal ng pamahalaan.

“This is a matter close to my heart. I know the fear, the risk and the deprivation that Overseas Filipino Workers have to endure in order to seek a better life for their families and loved ones,” ani Locsin.

“I assure our people that the Department of Foreign Affairs and its embassies and consulates abroad will do whatever it takes to bring our distressed Overseas Filipinos home — on their feet or on their backs,” dagdag pa nito.

Ayon sa DOLE, naiuwi ng Pilipinas ang labi ng 88 OFWs lulan ng dalawang flights ng Philippine Airlines.

Sa 88 labi, 45 rito ay COVID-19 cases habang 43 naman ang pumanaw dahil sa iba pang dahilan.

Nanggaling ang katawan ng mga OFWs na ito mula sa Al Khobar, Jeddah at Riyadh.