-- Advertisements --

Pinasinungalingan ni Tagaytay Mayor Agnes Tolentino ang mga ulat na isinailalim sa lockdown ang lungsod bilang paghahanda sa Araw ng Pasko.

Ayon sa alkalde, imposibleng i-lockdown ang Tagaytay dahil apat lamang ang aktibong kaso nito kung saan dalawa sa mga pasyente ang nakalabas na ng quarantine.

Maliban na lamang daw ito kung ang mismong Inter-Agency Task Force o IATF ang siyang magpapatupad ng kautasang pagsasara sa anumang bahagi ng Tagaytay.

Patuloy aniya na pinaiiral ng naturang lungsod ang health safety protocols lalong lalo na sa mga lugar na dinadayo ng turista.