-- Advertisements --

Magpapatupad ng tatlong linggo na paghihigpit ang gusali ng Senado para sa health protocols matapos sunod-sunod na tinamaan ng COVID-19 ang tatlong mga senador.

Inanunsiyo ni Senate President Juan Miguel Zubiri, na napagkasunduan ang lockdown matapos ang ginanap nilang caucus kung saan maghihigpit sila sa health and safety protocols.

Ayon kay Zubiri, epektibo ang lockdown sa mga guests simula sa darating na Lunes, Agoso 15.

Tatanggap lamang daw ang Senado ng mga bisita kung sila ay resident resource person.

Nasa dalawa lamang kada ahensiya ang papayagan.

Ang iba naman ay dapat dumaan na lamang sa pamamagitan ng virtual.

Nilinaw din naman ng Senate president na kailangan pa rin ang RT-PCR COVID-19 test para sa mga bisita.

“Due to the rising COVID-19 cases in the last week, where we had three of our colleagues testing positive for COVID-19 during our caucus the senators decided to tighten our health and safety protocols,” ani Zubiri. “Effective Monday, August 15, for three weeks, we will have a lockdown for guests.”