-- Advertisements --

Naniniwala ang ilang opisyal ng United Kingdom na mapapalawig pa lockdown sa England.

Sinabi ni England Cabinet Office minister Michael Gove, na malaki ang posbilidad na mapalawig pa ang December 2 deadlines hanggang wala pang naimbentong bakuna laban sa COVID-19.

Nakatakda naman magsalita sa House of Commons si British Prime Minister Boris Johnson para magbigay pa ng ilang detalye ng lockdown.

Nauna ng napagdesisyunan ni Johnson ang pagsasagawa ng lockdown simula sa susunod Huwebes na magtatagal ng hanggang Disyembre 2.