Maaari na muling magamit ang locally-developed test kits para sa COVID-19 ayon sa Department of Health (DOH) at DOST-Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD).
BASAHIN: Handa nang gamitin ang 2nd version ng locally-developed COVID-19 test kits, ayon sa DOH at DOST-PCHRD. | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/lMaX7gWHon
— Christian Yosores (@chrisyosores) July 19, 2020
Sa isang statement sinabi ng mga tanggapan na handa na para sa commercial use o malawakang paggamit ng publiko ang ikalawang version ng GenAmplify™ Corona Virus 2019 (COVID-19) rRT PCR Detection Kit.
“We appreciate the Manila Health Tek team for their commitment to excellence with our independent laboratory expert panel in addressing key issues of version 1 of GenAmplify.”
“After several months of collaboration, we are proud to say, GenAmplify version 2, the country’s very own RT-PCR test kit, is finally ready for commercial use.”
Nagkakahalaga ng P1,320 ang test kits ng gawang Pinoy, na mas mura sa higit P8,000 na presyo ng unang mga test kits na ginagamit ng bansa.
Nangako naman ang Health department at DOST na tulad nang sa ibang medical products, patuloy nilang imo-monitor ang performance ng test kits.