-- Advertisements --
Maaari pa rin umanong makahanap ng paraan para magkaroon ng mapayapang holiday season, sa pagitan ng mga miyembro New People’s Army (NPA) at tropa ng pamahalaan.
Ayon kay Senate committee on national defense and security chairman Sen. Panfilo Lacson, posible pa rin ang localized ceasefire.
Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala nang aasahang peace talks sa panahon ng kaniyang termino.
Para naman kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, nagagalak siya na pormal nang tinuran ng chief executive na hindi na ito makikipag-usap sa CPP-NPA-NDF.
Ayon pa kay Dela Rosa, “long overdue” na ito at hindi na dapat magpalinlang ang pamahalaan sa mga aksyon ng mga rebelde.