-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Health (DOH) na napakataas ang tsansa na nangyari na ang hawaan locally ng omicron BA.5 subvariant.

Ito’y matapos ang dalawang pasyente na may subvariant ng BA.5 mula Bulacan ay walang travel history maliban sa kanilang polling precinct sa Metro Manila.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kasalukuyan nilang tini-trace ang dalawang indibidwal na nagpositibo sa nasabing variant.

Samantala, sinabi ng health official na 15 sa 17 rehiyon sa bansa ang nasa “low risk” mula sa “minimal risk” case classification sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Napag-alaman na dose-dosenang mga lugar sa bansa ang nasa pinakamaluwag na five-tier COVID-19 alert level system, na nagpapahintulot sa negosyo at pampublikong sasakyan na gumana nang may kapasidad.