Nagsimula na ang mga Petroleum companies ngayong araw na taasan ang presyo ng kanilang mga panindang Liquified Petroleum Gas(LPG).
Batay sa abiso ng ilang mga kumpanya ng langis, umaabot s P6.65 ang itinaas sa kada kilo ng LPG o katumbas ng P73.15 na pagtaas sa mga LPG tank na may timbang na 11kg.
Ayon sa mga kumpanya ng langis, ang ginawa nilang pagtaas sa presyo ng mga panindang LPG ay dahil na rin sa naging epekto ng pagtaas ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.
Gayonpaman, ang ipinatupad na price adjustment ay mas mataas kumpara sa unang nai-forecast nitong mga nakalipas na araw.
Sa unang abiso kasi, naglalaro lamang sa P3 hanggang P5 ang itataas ng kada kilo ng LPG. Ito ay katumbas sana ng P33 hanggang P55 para sa mga tangke ng LPG na may timbang na 11kgs.
Kalimitang binabago ng mga oil firms ang presyo ng kanilang mga panindang LPG sa unang araw ng buwan, kung mayroong pangangailangan.
Sa kasalukuyan, ang bayad sa pagpapakarga ng mga 11kg LPG tank ay ay mula P718 hanggang P935.