Hindi umano mag-aatubili ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na kasuhan ang mga lokal na opisyal na mapapatunayang sangkot sa pagharang sa kampanya ng pamahalaan na linisin ang mga sikat na beach destination ng bansa.
Ayon kay Interior Usec. Jonathan Malaya, nagbaba na ng direktiba si Sec. Eduardo Año sa lahat ng kanilang field offices para imbestigahan ang mga report na hawak ng Department of Tourism (DOT) at Department of Environment and Natural Resources hinggil sa akusasyon.
“We will not hesitate to exercise our power of general supervision over LGUs (local government units) should they be found to be blocking or opposing the directives of the President to clean up and rehabilitate our top tourist spots,†ani Usec. Jonathan Malaya sa isang statement.
Kamakailan nang aminin ni Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat na nagbabadya na ring ipasara ng gobyerno ang ilang beach resorts sa El Nido, Palawan; gayundin ang Burnham Park sa Baguio para sa paglilinis at rehabilitasyon.
Sinang-ayunan naman ito ng DILG dahil naniniwala raw silang sapat ang kanilang binigay na panahon para makasunod ang mga lokal na pamahalaan at may-ari ng establisyemento na dati ng nasita.
Sa ngayon, maraming beach resorts pa rin daw sa El Nido ang hindi sumusunod sa kaukulang batas.
Kaya payo ng DILG sa mga local government unit, gamitin ang kanilang kapangyarihan para ipatupad ng tama ang panuntunan sa kalikasan.
“We have given them enough time to comply. We explained to them why and how they can comply with regulations. So far, they have failed to do so. They still have a whole month to shape up, after that they will face closure,†ani Malaya.