LEGAZPI CITY – Pinagbibitiw sa pwesto ng isang opisyal mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang local officials ng mga barangay na bigong makasunod sa kampanya ng kagawaran laban sa obstruction sa mga kalsada.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Interior Usec. Martin Diño na agad maglalabas ng show cause order ang DILG sa mga opisyal na mapapatunayang bigo sa pagpapatupad ng Memorandum Order 2019-121.

Simula kasi sa Lunes, September 30 ay sisilipin ng ahensya ang pampublikong kalsada at sidewalk ng lokal na pamahalaan sa bansa para makita kung talagang nilinis ito ng mga opisyal mula sa mga naka-hambalang na sasakyan at maliliit na establisyemento.

Hinamon naman ni Diño ang local officials na magbitiw na sa pwesto kung batid nitong hindi nila nasunod ang utos ng ahensya.