Nakatakdang simulan ng pamahalaan ang dalawa pang loan programs nito na nakatutok sa pagtulong sa mga Pilipino na makabili ng laptops o desktops, at makabayad sa tuition.
Ayon kay Finance Sec. Carlos Dominguez III, ang Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) ang mag-introduce sa dalawang loan programs na ito.
Nagkakahalaga aniya ng P30,000 ang computer loan program ng GSIS para sa kanilang active members.
Layon nitong matulungan ang mga miyembro ng GSIS na makabili ng laptop o desktop na gagamitin para sa distance o online classes.
Maaring bayaran aniya ang loan na ito sa loob ng tatlong taon sa interest rate na 6 porsiyento.
Sa darating na Setyembre naman ilulunsad ng SSS ang kanilang educatin loan program para sa kanilang mga moyembro para tulungan ang mga ito sa pagbayad sa tuition at iba pang bayarin sa paaralan png kanilang nominated student beneficiaries.
Maaring umutang sa SSS ng hanggang P100,000 na puwedeng bayaran sa loob ng limang taon.