-- Advertisements --

Napiling maging host ang Liverpool sa United Kingdom ng 2023 Eurovision song contest sa buwan ng Mayo.

Inanunsiyo ni Graham Norton ang presenter ng Eurovision ang pagkakapili sa Liverpool.

Gaganapin ito sa Mayo 13 sa Liverpool.

Labis naman na ikinatuwa ng singer na si Sonia Evans na mula sa Liverpool at pumangalawa sa contest noong 1993 ng mapili ang kaniyang lugar.

Dagdag pa nito na asahan ang malawakang party dahil sa nasabing pakapili.

Ang nasabing English City kasi ay kilala sa bahay ng mga Beatles ganun din ang host ng mga malalaking events.

Unang itinakda sa Ukraine sana ito gaganapin matapos ang tagumpay ng Kalush Orchestra subalit sa patuloy na kaguluhan dahil sa paglusob ng Russia ay nagpasya ang organizer na ilipat ito ng bansa.