-- Advertisements --

Naghahanda si Lithuanian President Gitanas Nauseda sa pagganti ng Russia sa kanila.

Ito ay matapos na pagbawalan nila ang pagdaan ng mga produkto sa kanilang teritoryo at sa itinuturing ng sakop ng Russia na Kaliningrad dahil sa sanctions na ipinataw ng European Union.

Dagdag pa ni Nauseda na nakahanda sila sa hindi makataong pagganti o maging ang pagtanggal sa kanila sa BRELL system na isang power grid na pinaghahatian na serbisyo mula sa Russia, Belarus at mga Baltic states.

Hindi rin ito naniniwala na hahamunin ng Russia ang kanilang sundalo dahil miyembro sila ng NATO.

Ipinagtanggol nito ang pagharang ng mga produkto ng Russia at sinabing ipinapatupad lamang nito ang utos mula sa EU.

-- Advertisement --