-- Advertisements --

Patuloy na nagsusumite ng mga proposals ang National Housing Authority sa national government para mabigyan na ng permanent resettlement sites ang mga informal settlers na sinalanta ng Bagyong Odette kamakailan.

Ayon kay National Housing Authority Asst. General Manager Engr. Victor Balba, idadaan nila ang proposal na ito sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa aniya ang kanilang ginagawang assessment sa mga binibisita nilang mga lugar na apektado nang nagdaang bagyo.

Inaalam pa aniya ng kanilang mga district at regional managers ang extent ng pinsalang iniwan ng Bagyong Odette, at ang kanilang magiging basehan dito ay ang bilang na manggagaling sa NDRRMC mismo.

Sinabi ni Balba na ang mga social workers na rin ang siyang bahala sa binubuong listahan ng mga beneficiaries para sa emergency housing program.

Gayunman, sa ngayon, tiniyak ni Balba ang cash assistance mula sa kanila para sa mga biktima ng bagyo,