-- Advertisements --
hawaii3
A banyan tree rises among the Wildfire wreckage, Thursday, Aug. 10, 2023, in Lahaina, Hawaii. For 150 years, the colossal tree shaded community events, including art fairs. It shaded townsfolk and tourists alike from the Hawaiian sun, befitting for a place once called “Lele,” the Hawaiian word for “relentless sun.” Like the town itself, its very survival is now in question, its limbs scorched by a devastating fire that has wiped away generations of history. (AP Photo/Rick Bowmer)

Inilabas na ng mga kinauukulan ang opisyal na listahan ng mga indbidwal na napaulat na nawawala nang dahil sa Lahaina wildfire disaster.

Batay sa validated numbers na ikinompile ng mga Federal Bureau of Investigation na tumutulong sa Maui Police Department, naglalaman ng 388 validated validated missing individuals ang naturang listahan.

Sa isang pahayag ay umapela sa publiko ang Maui Police Department na agad na ipagbigaya-alam sa mga otoridad kung mayroon pang ibang mga indibidwal ang nananatiling nawawala na hindi pa kasama sa kanilang inilabas na listahan.

Kung maaalala, sinabi ng Maui Filipino Chamber of Commerce na may mga Pilipinong kabilang sa mga napaulat na nawawala mula sa nasabing wildfire.

Matatandaan din na una nang napaulat na mayroong siyam na magkakamag-anak na Pinoy na rin ang nawawala nang dahil sa nasabing trahedya.