-- Advertisements --

Pinalawig pa ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang lisensya ng mga recruitment agencies para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) dahil sa nagpapatuloy na coronavirus pandemic.

Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, ito raw ay para makatulong sa mga recruitment agencies na naapektuhan ng pandemya, kasabay na rin ng nananatiling limitadong travel at deployment para hindi na lalo pang kumalat ang deadly virus.

Bilang tulong aniya ay may automatic extension ng mga lisensya, ibig sabihin lamang nito ay hindi muna magpapatupad ng regulation ang POEA sa mga recruitment agencies.

Nagbabalak daw kasi ang nasa 50 ahensya na osra ang kanilang mga opisina, habang 70 branch offices naman ang nagsara na.

Base rin sa natatanggap ng ahensya na datos mula sa mga recruitment manning agencies ay napag-alaman na isa sa mga pinaka-apektado ng pandemya ang kanilang sektor.

Simula sa Enero 2021, ipatutupad na ng gobyerno ang 5,000-mark na bilang ng mga health workers na papayagang magtrabaho sa ibang bansa.