-- Advertisements --
Tuluyan nang ni-revoke ng Land transportation Office (LTO) ang lisensya ng SUV driver na nanagasa ng security guard sa Mandaluyong City kamakailan.
Matatandaang naging viral topic ang ginawa ng suspek, dahil nakunan ito ng video, maliban pa sa maraming nakasaksi sa lugar.
Sa isinagawang imbestigasyon, lumilitaw na may iba pang reckless driving issues laban kay Jose Antonio San Vicente.
Nangyari umano ang mga ito noong taong 2010, 2015 at 2016.
Dahil dito, agad na huhulihin si San Vicente nagmaneho ito ng anumang sasakyan.
Nakadagdag pa sa sasagutin ng suspek ang hindi nito pakikipagtulungan sa mga imbestigador sa naturang insidente.