-- Advertisements --
omicron2

Tumaas ng 56% ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, mula sa 264 na bagong kaso noong Nobyembre 24 hanggang 411 na kaso noong Disyembre 1, ayon yan kay OCTA Research fellow Guido David.

Idinagdag ni David na tumaas din ang COVID-19 positivity rate ng Metro Manila mula 9.4% noong Nobyembre 23 hanggang 11.9% noong Nobyembre 30.

Nauna nang nag-ulat ang Department of Health ng kabuuang 14 na kaso ng BQ.1 variant, at inilarawan ito ni DOH officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire bilang “more transmissible and highly immune-evasive” kumpara sa ibang sub-variant ng Omicron.

Sinabi rin ni David na tumaas ang reproduction number, mula 1.11 noong Nobyembre 21 hanggang 1.32 noong Nobyembre 28 na sng average na araw-araw na pag-atake ay nasa 2.85 din bawat 100,000 na katao.

Una rito, ang rate ng paggamit ng pangangalagang pangkalusugan ay mababa, ani David, sa kabila ng bahagyang pagtaas mula 26% noong Nov. 23 hanggang 28% noong Nov. 30. | Bombo Allaiza Eclarinal