LAOAG CITY – Patay ang isang lineman ng windmill power plant matapos makoryente sa Brgy. Baruyen, Bangui, Ilocos Norte.

Nakilala ang biktima na si Jefferson Macaganda, residente ng Sitio Suyo, Brgy. Baruyen.

Sa panayam ng Bombo Radyo Laoag kay Capt. Julius Basallo, hepe ng PNP Bangui, nasagi ng biktima ang isang capacitor ng windmill habang nagpapalitada dahil ng pagkakoryente nito.

Nalaman ni Basallo na kakaregular lamang ng biktima bilang empleyado ng windmill power plant sa posisyong lineman dahil bago ito maregular ay nagsisilbi munang all-around.

Nalaman nila ang insidente matapos magreport ang kapatid nito.

-- Advertisement --

Patuloy naman ang imbestigasyon ng PNP kung talaga ay aksidenteng nakoryente ang biktima.