TUGUEGARAO CITY – Kaagad nasawi ang isang lineman matapos makuryente habang nagsasagawa ng wiring sa poste sa Tuguegarao City.

Maliban sa naturang lineman ng internet, sugatan naman ang dalawang iba pa.

Ayon kay P/Lt. Isabelita Gano ng Tuguegarao-Philippine National Police, nagkakabit ang isa sa mga biktima na si Oliver Fontanilla, 23-anyos ng Lasam, ng linya ng fiber optic sa isang poste sa Barangay Pengue Ruyu nang aksidente siyang nahulog dahil sa napigtas na rubber rope.

Tinangka namang sumaklolo ng kasamahan niyang sina Ysmael Tumamao, 22, ng Sanchez Mira; at Gerard Bumagat, 24-anyos ng Naguilian, Camiguin Island pero, nakuryente rin ang mga ito sa live wire ng Cagayan Electric Cooperative (CAGELCO) kung saan sumabit si Fontanilla.

Dead on the spot si Tumamao habang nagpapagaling na sa pagamutan ang dalawang ikasamahan.