Pumanaw na ang co-founder at bassist ng rock-rap group na Limp Bizkit na si Sam Rivers sa edad na 48.
Kinumpirma ito ng grupo subalit hindi na nagbigay pa ang anumang detalye.
Kasama niya ang kanilang drummer na si John Otto na bumuo ng grupo at kinalaunan ay nakatrabaho ang bokalistang si Fred Durst sa isang fast food.
Nakumpleto ang kanilang grupo noong 1996 ng idagdag nila sina Wes Borland bilang gitarista at si DJ Lethal.
Taong 2015 ng pansamantalang umalis si Rivers sa grupo matapos magkasakit ng liver at sumailalim sa liver transplant bago muling bumalik sa grupo noong 2018.
Mula 2006 hanggang 2009 ay namahinga ang grupo at doon nagtanghal sa iba’t-ibang stage sa mundo.
Mayroon silang anim na studio album kabilang ang sikat na album na “Significant Other” noong 1999 at “Chocolate Starfish and the Hot Dog Flavored Water” noong 2000.
Kabilang sa mga pinasikat na kanta ng grupo ay ang “Rollin’ (Air Raid Vehicle),” “Take A Look Around,” “My Way,” “Behind Blue Eyes,” “Nookie,” “Hot Dog” at “Break Stuff”