Lifted na ang travel ban ng Pilipinas patungong mainland China maliban sa mga flights na papuntang Hubei province.
Batay sa resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease na may petsang March 12, maaari ng bumalik ang mga OFW sa nasabing bansa basta’t makapagpe-presenta sila ng valid na visa at work permit.
“The Department of Foreign Affairs (DFA) informs the public of the following clarifications pertaining to the lifting of the travel ban to mainland China (except Hubei Province) adopted in the 12 March 2020 Resolution of the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) on measures to contain the spread of the novel coronavirus disease (COVID-19),” ayon sa DFA.
Gayundin ng Overseas Employment Certificate, naka-notaryong declaration letter at iba pang dokumento na may kinalaman sa kanilang employment sa China.
Sakop din ng pwede ng maka-biyahe sa mainland ang mga Pilipinong government officials.
Ang mga bawal pa sa ngayon na bumiyahe ay mga first time OFW, estudyante, dependents ng mga OFW at turista.