-- Advertisements --

Ginagalang ni PDP-Laban president at Energy Secretary Alfonso Cusi ang withdrawal ni Senator Christopher “Bong” Go sa kandidatura nito sa pagkapangulo sa 2022 polls.

Sa isang statement, sinabi ni Cusi na anuman ang dahilan ni Go sa pag-atras nito sa presidential race ay kanilang ginagalang sapagkat sa tingin nila ang itensyon sa likod nito ay para na rin sa kapakanan ng bansa.

Gayunman, “life must go on” aniya sa ngayon ang kanilang partido kasunod nang pangyayaring ito.

“I respect the decision of Senator Bong Go on his candidacy, but as a party mate, I am proud of his reaffirmation of patriotism and display of honorable resolve, a man of principle, who took inspiration from the national hero, Andres Bonifacio who made the ultimate sacrifice for his country,” ani Cusi.

Sinabi ng kalihim na kokonsulathin muna niya ang iba pang miyembro ng partido at kanilang mga constituents hinggil sa kung ano ang kanilang magiging susunod na hakbang.

Kasama na rito ang kung sino ang susuportahan ng PDP-Laban na karapat-dapat na kandidato, na ibabase sa mga prinsipyong pinaniniwalaan ng partido.

Nagpapasalamat naman si Cusi kay Go, at tiniyak ang patuloy na suporta ng kanilang partido sa naturang senador, pati na rin kay pangulong Rodrigo Duterte na itinuturing nilang ama.

Para kay Cusi, hindi nagkamali ang kanilang partido na i-endorso si Go sa pagkapangulo.

“PDP Laban is made up of principled individuals. It is a party borne of the hardships of many before us and raised shoulder to shoulder by its members and their commitment to the party values. The party is destined to win,” dagdag pa ni Cusi.