Nagpa-abot ng pakikiramay sa pamilya ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat ang liderato ng Senado, sa pagpapatuloy ng hearing ukol sa red tagging.
Ayon kay Sotto, taos ang kanilang paghahangad na makamit ng pamilya Cullamat ang kapayapaan ng puso, sa kabila ng pagkakapatay ng militar kay Jevilyn Cullamat sa nangyaring engkwento sa Surigao noong weekend.
Si Jevilyn o kilala bilang “Ka Reb” sa hanay ng NPA, ang bunsong anak ni Rep. Cullamat.
“On behalf of the Senate, I’d like to express our deepest condolences and sympathy to Bayan Muna Rep. Cullamat for the loss of her daughter Jevilyn,” wika ni Sotto.
Para naman kay Sen. Panfilo Lacson, ang pagkamay ng isang kasapi ng NPA at pagkamatay ng isang sundalo ay kapwa mapait sa kanilang mga mahal sa buhay, kaya sana ay mahinto na ang ganitong mga pangyayari sa ating lipunan.