-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang Licensure Examination for Teachers (LET) kung saan nasa isang libo limang daan LET takers ang nagnegatibo sa Antigen test.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mary grace Manasba, isa sa mga kumuha ng pagsusulit, sinabi niya na panalangin ang isa sa kanyang baon sa pagkuha ng pagsusulit upang makapasa bagamat limitado lamang ang panahong ginugol niya sa paghahanda .

Nasa 116 claasroom ang inihanda ng Cauayan National High School para sa mga kumuha ng pagsusulit para sa secondary teachers habang apatnaput isang silid aralan naman ang inihanda sa Cauayan North Central school para sa Elementary Licensure Examination.

Samantala, tiniyak naman ng Public Order and Safety Division o POSD na naging maayos ang pagdaraos ng LET sa dalawang paaralan dito sa Lunsod.

Ayon kay POSD Chief Pilarito Mallillin naging maayos ang daloy ng trapiko sa dalawang paaralan dahil nasunod ang itinakdang parking areas.