-- Advertisements --

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na maituturing pa lamang na “speculative” ang usapin na posibleng hindi na matuloy pa ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito’y kasunod sa pagliban ng Senado sa petcha na nakatakdang basahin ang articles of impeachment.

Imbes ngayong araw June 2,2025, itinakda ni Senate President Chiz Escudero sa darating na June 11,2025.

Paliwanag ni Escudero na uunahin muna nila talakayin ang mga mahahalagang panukala.

Sa kabilang dako, sinabi ni Speaker Romualdez na kanilang nirerespeto ang naging desisyon ng senado kaugnay sa pagpapaliban sa pagbasa sa articles of impeachment.

Sa kabilang dako, sa pagbubukas ng regular sesyon ng Kamara ngayong araw, inihayag ni Romualdez na kanilang tatalakayin sa nalalabing dalawang linggo bago mag sine die adjournment ang 19th Congress ang pagpasa sa mga natitirang mahalagang panukalang batas.

Ipinunto ni Speaker na panahon na para tapusin ang mga naiwang trabaho ng kamara.

Kabilang sa mga panukalang na isasalang sa 3rd and final reading ang House Bill No.10987 ang Anti-Offshore  Gaming Operations Act; HB 11359 Philippine Civil Registry Act.

Nakatakda ding aprubahan ng Kamara ang HB 11430 Declaration of State of Imminent Disaster Act; HB 11395 AICS Act, House Bill 11400 nagpapalawak sa benepisyo ng mga senior citizen.