-- Advertisements --

Tinamaan ang ikalawang pinakamalaking siyudad ng Ukraine na Kharkiv sa itinuturing na “biggest” drone attck ng Russia.

Kumitil na ng tatlong katao ang pinakabagong pag-atake ng Russia sa Ukraine at 21 iba pang indibidwal ang napaulat na nasugatan.

Ayon kay Kharkiv Mayor Ihor Terekhov, naglunsad ang Russia ng 48 drones, 2 missiles at 4 na gliding bombs patungo sa siyudad sa nakalipas na magdamag.

Marami aniyang naitalang pinsala sa lugar kung saan maraming kabahayan ang tinamaan.

Patuloy naman ang iniisyung missile warnings ng Ukrainian Air Force dahil sa posibilidad ng pagtindi pa ng aerial strikes sa Kharkiv.

Ang pinakabago at malawakang pag-atake ng Russia ay kasunod ng major drone attack ng Ukraine sa airfields ng Russia noong nakalipas na linggo.