-- Advertisements --
ILOILO CITY – Kinumpirma ng Western Visayas Medical Center na wala nang backlogs sa kanilang subnational laboratory.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo lloilo kay Dr. Stephanie Abello, chief pathologist ng nasabing ospital, sinabi nito na naproseso na ang natitirang 200specimen noong Hulyo 22 at inaasahan na mailalabas ngayong araw ang resulta.
Ayon sa kanya, nagkaroon ng backlogs ang laboratoyo dahil sa patuloy na pagpasok ng mga specimen noong Hunyo kung saan sumobra ito sa kapasidad na kanilang tinatanggap.
Napag-alaman na umabot sa 5,000 ang backlogs ng Western Visayas Medical Center Subnational Laboratory na nagdulot ng delay sa paglabas ng mga resulta sa rehiyon.