SYDNEY, Australia – Umaabot na sa mahigit 250,000 ang lumagda sa petisyon na nananawagang kanselahin na ang taunang New Year’s Eve fireworks.

Sa harap ito ng mga naitatalang bush fire sa Australia sa mga nakalipas na linggo.

Panawagan ng mga pumirma sa petisyon na gamitin na lang ng gobyerno ang $4 million budget para labanan ang pagkalat ng apoy, kaysa gastusin iyon sa magarbong mga paputok at pailaw.

Dagdag na problema rin umano ang fireworks sa mga dumaranas ng hirap sa paghinga.

Gayunman, sinabi ni Sydney Mayor Clover Moore na hindi nila maaaring basta na lang kanselahin ang event, dahil nagastos na ang budget at mas practical na ituloy na lamang ito.

Ang Sydney Opera House ang isa sa mga binibisitang lugar sa mundo kapag sumasapit ang bagong taon, kung saan makulay ang fireworks display na nasisilayan ng publiko.