Patuloy pa rin ang libreng sakay program ng Office of the Vice President (OVP) ngayong taon.
Ito ay kahit na tinapos na ng Department of Transportation (DOTr) ang nasabing programa nitong Disyembre 31, 2022.
Ayon sa OVP na walang pagbabago sa operasyon ng Libreng Sakay na nagsimulang ilunsad noong Agosto 2022.
Mayroong kabuuang limang bus ang inilaan sa nasabing program kung saan dalawa dito ay inilagay sa Metro Manila, isa sa Davao City, isa sa Cebu at isa naman sa Bacolod.
Una ng sinabi ni Vice President Sara Duterte na ang nasabing buses ay pinahiram sa kaniya ng mga private sectors noong kasagsagan ng halalan.
Magugunitang inihayag rin ni Atty. Reynold Munsayac ang tagapagsalita ng pangalawang pangulo na magpapatuloy ang nasabing programa ng hanggang anim na taon at posibleng madagdagan pa nila ito.