-- Advertisements --

Good news sa lahat ng mga commuters sa Metro Manila dahil muling magpapatuloy ang libreng sakay ng EDSA Busway Carousel simulan ngayong araw.

Ito ay sa ilalim na rin ng third phase ng service contracting program ng Department of Transportation (DOTr).
Ayon sa DoTr, ang naturang programa ay mayroong P7-billion budget sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) of 2022.

Kasaman sa programa ang 515 na mga bus at 532 units din ang nakarehisto sa programa.

Ang unang biyahe sa EDSA Busway Carousel ay lalarga dakong alas-4:00 ng madaling araw at ang huling biyahe naman ay alas-11: 00 na ng gabi.

Inanunisyo naman ng DOTr ang mas mataas na contract prices per kilometer sa ilalim ng service contracting program.

Kasunod na rin ito ng pagtaas ng mga presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Ang gross contract per kilometer para sa public utility buses, tourist buses at mini buses ay itinaas sa P84.00 mula sa dating P82.50 habang P54.00 naman mula sa dating P52.50 para sa consolidated modern t traditional jeepneys at UV Express units.

Ang net contract price ay itinaas din sa P46.50 mula sa dating P45.50 kada kilometro para sa consolidated public utility buses at mini buses at P28.00 mula sa dating P27.00 para sa modern at traditional jeepneys at UV Express units.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), inaasahan na rin daw ang pagbubukas ng mga karagdagang Public Utility Vehicle (PUV) sa Libreng Sakay sa buong bansa sa mga susunod na araw.