Nag-alok ang Department of Transportation (DOTr) at iba pang mga ahensiya ng pamahalaan ngayong Miyerkules, Hulyo 22 ng libreng sakay para sa mga mananakay na apektado ng transport strike o tigil-pasada.
Sa inilabas na abiso, maaaring ma-avail ng mga komyuter ang libreng sakay mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga at sa hapon naman mula alas-5:00 hanggang alas-8:00 sa mga sumusunod na ruta:
- Welcome Rotonda-Fairview at vice versa
- Recto-Cubao via Nagtahan vice versa
- Quiapo-Cubao via E. Rodriguez at vice versa
- Quiapo-Fairview at vice versa
- Kalentong-Pasig Palengke at vice versa
- PITX-Lawton at vice versa
Ang alok na libreng sakay ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking may masasakyan ang mga komyuter sa kasagsagan ng tigil-pasada.
Ikinasa ng grupong Manibela ang transport strike simula ngayong Miyerkules, Hulyo 22 na magtatagal hanggang bukas, Hulyo 23 para tutulan ang muling pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo.














