LAOAG CITY – Nagsimula na ang pagbibigay ng LIBRENG SAKAY para sa mga residente dito sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Ayon kay Governor Cecilia Araneta Marcos, ang “LIBRENG SAKAY” ay isasagawa sa buong buwan ng Abril mula lunes hanggang hwebes.
Sinabi ni Marcos na ito ay tulong ng provincial government sa mga mamamayan dahil sa nangyayaring krisis, na epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Napagalaman na may 12 ruta at ag-operate ang mga ito ng tatlong beses sa umaga at hapon para masiguro na maraming residente ang matulungan.
Bibigyan din ng provincial government sa pamamagitan ng
Metro Ilocos Norte Council (MINC) ng fuel subsidy at sahod ng mga driver-operators ng Public Utility Vehicle at gagamitin din ang sasakyan ng lokal na pamahalaan sa ibang ruta.
















