Nakalikom ng $8.8 billion ang isinagawang vaccine summit ng Britanya upang bakunahan ang lahat ng bata sa buong mundo kasunod ng patuloy na pagtuklas ng mga eksperto kung papaano ipapamahagi ang mga COVID-19 vaccine sa lahat ng bansa.
Ayon kasi sa United Nations at International Red Cross and Red Crescent Movement na “moral imperative” umano ang pagbibigay ng libreng bakuna para sa bawat isa.
Ang halagang ito ay higit pa sa kanilang inaasahan. Gagamitin ang pondo para bigyan ng bakuna ang nasa 300 milyong kabataan sa iba’t bansa laban sa mga sakit tulad ng malaria, pneumonia at HPV.
Inanunsyo rin ng GAVI na sa pamamagitan ng “advance market commitment” mechanism ay mas mapapabilis para sa kahit anong developing countries na makakuha ng COVID-19 vaccine sa oras na maging available na ito sa merkado.