Kasalukuyan nang nanunuluyan sa mga shelters ang libo-libong residenteng nasa southwestern Japan dahil sa inaasahang pagtama ng Typhoon Nanmadol sa naturang rehiyon.
Maliban dito, hinikayat na rin ng naturang bansa ang nasa apat na milyong katao na lumikas na dahil sa panganib na dulot ng naturang bagyo.
Una rito, nag-isyu ang Japan Meteorological Agency (JMA) ng “special warning” para sa Kagoshima at Miyazaki sa Kyushu region.
Ang naturang alerto ay iniisyu lamang kapag nakita ang kakaibang lagay ng panahon isang beses matapos ang ilang dekada.
Nitong araw lamang ng Linggo ay nararamdaman na ang malakas na pag-ulan maging ang hangin sa southern island.
Nasa 98,000 households naman ang nasa Kagoshima, Kumamoto, Nagasaki at Miyazaki ang wala nang kuryente.
Kanselado na rin ang biyahe ng mga tren, mga flights at ferry dahil sa naturang sama ng panahon.