-- Advertisements --

Binasura ni Senate Minority Franklin Drilon ang naging suhestyon na ipasa sa mahigit 40,000 real estate agents at brokers ang pagre-report sa mga kahina-hinalang transaksyon.

Ayon sa mambabatas, trabaho ito ng Land Registration Authority at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Hinarang ni Drilon ang proposal sa ilalim ng Senate Bill 1412 na nagre-require sa lahat ng real estate developers at brokers na io-report sa Anti-Money Laundering Council ang lahat ng single cash tansactions na lalagpas sa P1 million, at iba pang kahina-hinalang transaksyon sa loob ng 5 working days.

Sa oras aniya na aprubahan ito ay magpapatong-patong ang kailangang gawin ng mga real estate agents nat brokers. Tulad na lamang ng pagh-establish at pag-record sa tunay na pagkakakilanlan ng kliyente nbase sa kanilang official documents.

Kakailanganin din ng mga itong tiyakin ang sistema para sa verification ng mga kliyente; record, at pagtatabi sa lahat ng dokumento.

Sa ilalim umano ng proposal ng AMLC, tatanungin ng mga brokers at ahente kung saan nakuha ng kanilang kliyente ang kanilang pera. Dahil din dito ay kakailanganin ng mga ito na magpasa ng sandamakmak na requirements sa AMLC.

Kapag nabigo ang mga real estate brokers at agents na i-report ang kanilang transaksyon sa AMLC o itago ang kanilang records, ay maaari silang makulong sa loob ng anim na buwan hanggang bapat na taon.

Pagbabayarin din ang mga ito ng multa na aabot sa P100,000 hanggang P500,000.