ILOILO CITY – Umabot sa 1,500 violators ang nahuli ng Iloilo City Compliance Monitoring Team dahil sa paglabag sa health protocols.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Fernando Jose “Boyet” Rico, Executive Assistant for Barangay Affairs, sinabi nito na halos sa mga nahuli ng compliance team ay ang mga residente ng mga barangay sa lungsod na walang suot na facemask habang nagtsi-tsismis.
Ayon sa kanya, 239 na mga compliance officers ang umiikot sa 180 barangays sa lungsod upang suriin kung mayroong mga violators.
Ani Rico, may mga bata pang naglalaro sa dalampasigan sa mga coastal area kung saan walang ding face mask na suot.
Umaasa ngayon ang city government na makakatulong ang mga barangay officials sa pag isyu ng citation tickets sa mga violator.