-- Advertisements --

Nagtungo ang outreach team ni Senador Christopher “Bong” Go sa Pansanjan, Laguna upang mamahagi ng ayuda sa libo-libong bangkero, bilang pagtupad ng senador sa kanyang pangako na tutulungan ang mga sektor na naapektuhan ng pandemya.

Sa kanyang video message, kinilala ni Go ang kasipagan ng mga bangkero na patuloy na nagta-trabaho upang may maipantustos sa kanilang pamilya kahit nasa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Ipinangako nito na sa tulong ng concerned agencies, ipagpapatuloy niya ang pagsisimula at pagsuporta sa mga programang pakikinabangan ng malaki ng sektor ng turismo sa bansa.

“Mga kababayan ko, magtulungan lang po tayo, magbayanihan po tayo, at magmalasakit po tayo sa ating kapwa Pilipino upang malampasan po natin itong krisis na ito bilang nagkakaisang mamamayang Pilipino,” sabi ni Go.

Isinagawa ang relief operation sa Laguna Sports Complex Gymnasium sa bayan ng Sta. Cruz, kung saan namahagi ang team ni Go ng face masks at meals habang mahigpit na sinusunod ang health protocols.

Namigay din sila ng mga bagong sapatos, computer tablets at mga bisikleta sa ilang residente na magagamit nila sa pagko-commute.

Sa pamamagitan naman ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program, namahagi rin ang Department of Social Welfare and Development, ng financial assistance sa mga residente upang may maipantustos sa pang-araw-araw nilang pangangailangan sa kabila ng pandemya.

Hinikayat din ng senador ang mga mayroong karamdaman na bisitahin ang alinman sa dalawang Malasakit Centers sa lalawigan na matatagpuan sa Laguna Medical Center sa Santa Cruz at San Pablo City General Hospital.

“Kung hindi po kayang operahan dito sa inyong probinsya, kami na po bahala. Huwag na kayong mag-alala sa bayarin ninyo sa Maynila, kami na ang bahala sa pamasahe ninyo, sa bayarin ninyo sa ospital, kami na ang magbabayad,” dagdag pa niya.

Tiniyak ng senador na adopted son ng CALABARZON, sa mga bangkero na palaging bukas ang kanyang opisina upang pakinggan ang kanilang mga hinaing at tutugunan ito sa pagsasabing Patuloy ang aking opisina sa paghatid ng serbisyo.

“Alam ko mahirap ang panahon ngayon, marami ang nawalan ng trabaho marami ang nagsara na negosyo, pati dito marami ang nawalan ng hanapbuhay. Gusto ko lang malaman ninyo na si Presidente Duterte ay nandito lang kami na handang magserbisyo sa inyo sa abot ng aming makakaya magtulungan lang tayo. Sino lang ba ang magtutulungan kundi tayo lang naman mga kapwa natin Pilipino,” dagdag pa niya.

Pinasalamatan din ni Go ang mga lokal na opisyal sa kanilang kasipagan sa kabila ng napakahirap na sitwasyon, kasabay ng apela na ipagpatuloy nila ang kanilang pagseserbisyo sa kanilang constituents hanggang sa tuluyang makarekober ang bansa.

“Kami po ni Pangulong Duterte ay narito lang po handang magserbisyo sa inyo sa abot ng aming makakaya. Mga kababayan ko, kaunting tiis lang po, magtulungan lang tayo malalampasan rin natin ito bilang nagkakaisang mamamayang Pilipino,” pagtatapos ni Go.

Unang nagsagawa ang team ni Go ng kaparehong distribution activity sa San Pablo City kung saan nasa 1,000 solo parents ang inayudahan.