-- Advertisements --
image 384

Libu-libo pang mga tao ang inilikas mula sa kanilang mga tahanan sa isla ng Tenerife ng Espanya habang patuloy na tinutupok ng isang napakalaking apoy ang hilaga ng isla.

Ayon sa Canary Islands emergency services higit sa 26,000 katao ang inilikas noong Sabado ng hapon, isang malaking pagtaas mula sa 4,500 noong Biyernes. Nasa 11 bayan naman ang apektado ngayon.

Isang helicopter naman ang naghuhulog ng tubig sa mga lugar na malapit sa mga tahanan kung saan makikita ang mga usok.

Ang naturang sunog ay sumiklab noong Miyerkules sa isang bulubunduking national park sa paligid ng bulkan ng Mount Teide.