-- Advertisements --

Suportado ng Liberal Party ang panawagan ni Senator Risa Hontiveros kaugnay sa pag-isyu ng arrest warrant laban kay Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy.

Sa isang post sa online account ni LP spokesperson Leila de Lima, kaniyang ipinunto na ang dumaraming ebidensiya laban kay Quiboloy ay nagpapakita ng isang nakakabahalang larawan ng pang-aabuso at ang pagkaantala aniya ng hustisiya sa mga biktima ay nagsisilbi lamang upang palakasin ang loob ng mga salarin at higit pang apihin ang mahihina.

Nagpahayag din ng lubhang pagaalala ang political party sa mga report na ilang mga Senador ang nagaatubili para i-compel si Quiboloy na humarap sa imbestigasyon ng Senado.

Binigyang diin din ng grupo na karapatan ng publiko na malaman ang katotohanan at magkaroon ng justice system na poprotekta sa mga mahihina at mahihirap at hindi nagpapagipit sa makapangyarihan.

Nananawagan din ang LP sa mga Senador na tiyaking hindi bias at patas ang proseso ng hustisya.