-- Advertisements --

Maagang nagpatupad ng supensiyon sa trabaho simula kaninang alas-12:00 ng tanghali ang lokal na pamahalaan ng Manila, Caloocan City at Valenzuela City.

Ito’y kaugnay ng paggunita ng Semana Santa ngayong taon.

Gayunman, base sa memorandum na nilagdaan ni Manila City Administrator Felixberto Espiritu, mananatili pa ring bukas ang mga departamento na nangangasiwa sa pagtugon sa bagyo at kalamidad sa pamamagitan ng skeletal force.

Maging sa Caloocan, ganito rin ang ipinatupad, kung saan tuloy pa rin ang operasyon ng mga opisinang nangangasiwa sa COVID-19 vaccination, hospital services, peace and order at iba pa.

Sa Navotas naman, epektibo na ang suspensiyon ng pasok simula nitong ala-1:00 ng hapon.

Samantala, may ilang tanggapan na rin ng national government ang nagpatupad ng half day para sa kanilang mga empleyado bilang paghahanda sa lenten break.