-- Advertisements --
Muling sisilipin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang ginagawa ng ilang local government units (LGUs) na hindi pa rin tumatanggap ng mga turista kahit pa niluwagan na ang travel protocols.
Ayon kay DILG Usec. Epimaco Densing III na hindi naman tinatanggal ang karapatan ng local government units na magsagawa ng testing kaya’t uubra nang tumanggap ng turista ang mga ito.
Wika ng opisyal, kakausapin niya ang LGUs para ipaliwanag ang kahalagahan ng ginawang pagbubukas ng turismo para sa pinalalakas na ekonomiya.
Ilan sa mga nagpaabot ng sumbong ang Air Carriers Association of the Philippines (ACAP) at mga turista.
Sinasabing hindi pa ganap na nagbubukas ng border nila sa mga turista ang ilang parte ng Visayas at Mindanao.