Maaaring papayagan na ng gobyerno sa lalong madaling panahon ang mga local government units (LGUs) at ang pribadong sektor na bumili ng kanilang sariling mga bakuna sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) nang hindi pumapasok sa mga multi-party contracts.
Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr, babaguhin na nila ang procurement strategy sa ngayon.
Dahil dito, ang mga LGU at private sector ay puwede nang nadumiretso sa pagbili at wala ng multi-party agreements (MPA).
Aniya, pinayagan na ang mga LGU at pribadong sektor na kumuha ng kanilang sariling mga supply ng bakuna sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagpasok sa MPA sa pagitan ng purchasing party, manufacturer or distributor at national government.
Sinabi ni Galvez na ang pagbabago sa diskarte sa pagkuha ay maaaring maging simula sa reformulated boosters at fill authorization ng Pfizer at iba pang brands.
Gayundin, plano ngayon ng gobyerno na damihan ang supply ng bakuna sa Region 4-A, 3, 7, 6, 10, 11, at iba pang mga lugar na may maraming kaso ng covid.