Imomonitor na ng mga Local Government unit ang mga eskwelahan at mga estudyante sa buong bansa.
Ayon kay League of Provinces of the Philippines President at Quirino Provincial governor Dax Cua, magsasagawa na ng monitoring ang mga LGU sa kasalagayan ng mga eskwelahan, kasama na sa estado ng mga estudyante.
Ito ay sa likod ng pagtaas ng kaso ng COVID 19 sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Tiniyak ni Cua na nakikipag-ugnayan na rin ito sa Department of Education at Department of Health upang matiyak na updated ang mga Local Chief Executives sa estado ng bawat LGU ukol sa COVID 19 infections.
sa kasalukuyan, siniguro ng opisyal na ang mga ospital sa bansa ay nakahanda sa posiblidad na magkaroon ng pagtaas sa bilang ng mga naa-admit dahil pa rin sa COVID 19.
Tiniyak din ng opsiyal na una nang nag-commit ang bawat LGU na babantayan nila ang kalagayan ng mga eskwelahan na nasa ilalim ng kanilang hurisdiksyon.