Tiniyak na umano ng mga organizers ng 2022 World Cup na walang mangyayaring pag-aresto sa mga ito kung makita man ang same-sex sexual activities habang nasa Qatar.
Sinabi umano ni English Football Association Chief Executive Mark Bullingham na ang mga LGBTQ+ fans ay hindi aarestuhin kung sila man ay magho-holding hands at magki-kiss sa publiko sa darating 2022 World Cup simula sa Nobyembre.
Maalalang ang ibang LGBTQ+ fans ay umiiwas sa preparasyon at sa mismong World Cup dahil hindi pa daw sila nakakatanggap ng kasiguraduhan na sila ay poprotektahan.
Kaugnay niyan, itinaas kasi ng LGBTQ+ community ang concern na ito kung safe ba sila sa mga same-sex sexual activity sa naturang bansa na napakahigpit ng batas.
Ang Football Association ay nakisama na rin sa siyam pang mga European Federations sa kanilang kampanya na “OneLove” anti-discrimination campaign. (with report from Bombo Allaiza Eclarinal)