-- Advertisements --
image 395

Naniniwala ang Department of Science and Technology na hindi na bababa pa ang lebel ng tubig ng Angat Dam sa minimum operating level na 180 meters.

Ayon kay hydrologist Richard Orendain ng DOST, maaaring hanggang sa 183 – 184 meters na lamang ang ibababa ng water level elevatin ng dam bago ang katapusan ng Hunyo.

Ito ay kahit pa umano maaprubahan ang kahilingan ng Manila Water Sewarage System na magpapatuloy ang dagdag alokasyon ng tubig mula sa dam papunta sa mga kostumer nito, hanggang sa Hunyo.

Pagdating ng tag-ulan aniya ay magsisimula na rin ang recovery period ng nasabing dam, kung saan muli nang makakapag-ipon ng tubig ang water reservior.

Sa kanila nito, patuloy naman aniyang babantayan ng ahensiya ang posibleng magiging epekto ng El nino sa nasabing dam, na isa sa mga pangunahing pinagkukuhanan ng supply ng malinis na tubig para sa Metro Manila.